more pinoy celebrity

Your Ad Here

Wednesday, June 2, 2010

Ritchie Paul confirms relationship of brod Richard, Jewel Mische


Magkasama sa bagong primetime series ng GMA-7 na Pilyang Kerubin sina Ritchie Paul Gutierrez at Jewel Mische. Si Ritchie Paul ang bunso sa mga magkakapatid na Gutierrez, samantalang si Jewel naman ang matagal nang napapabalitang girlfriend ng kapatid ni Ritchie Paul na si Richard Gutierrez.

Sa presscon ng
Pilyang Kerubin last May 31, sa Studio 5 ng GMA Network Center, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ritchie Paul. Nang mapadako ang usapan tungkol sa mga girlfriend nilang magkakapatid ay tila nadulas si Ritchie Paul at kinumpirma niya ang relasyon ng Kuya Richard niya at ni Jewel.

Napag-uusapan ba nilang magkakapatid ang tungkol sa lovelife nila?


"A, recently hindi, hindi na kami masyadong nag-uusap, hindi masyado," sagot ni Ritchie Paul. "I mean, kasi si Elvis, may GF siya for ilang years na. Si Chard, alam mo na, si Jewel, di ba? Tapos, 'yon. Kumbaga, matagal na kasi mga girlfriends namin kaya hindi na namin pinag-uusapan."


Pero ayon kay Ritchie Paul, kabi-break lang daw nila ng non-showbiz girlfriend niya.


"Mga siguro six months ago lang yata," banggit niya.


So, open na ba si Jewel sa kanila? Tanggap na tanggap na ng family nila?


"Okay naman. Okay naman sa mom ko [Annabelle Rama]. Okay siya sa akin, okay siya," sagot ni Ritchie Paul.


Ano ang pagkakakilala niya kay Jewel?


"She's really nice, pretty and smart, and she's faithful. She's really a faithful person, she's a nice person. I've got nothing against her whatsoever," sagot ng 23-year-old rapper turned actor.


Ano ang pinakahinahangaan niyang ugali ni Jewel?


"Siguro yung sobrang religious niya, si Jewel. Nagbabasa siya ng Bible every day. 'Pag kinakausap mo siya, tungkol parati sa mga ganun, mga kay God, and stuff."


Kaya ba nagustuhan na rin ng mommy niya si Jewel?


"Siguro, siguro... Siguro tanungin ninyo mom ko kung bakit niya nagustuhan," pag-iwas nito.


Sa mga naging girlfriends ni Richard, kanino siya pinakaboto?


"Lahat, okay sila lahat. Wala naman siyang hindi magandang girlfriend o hindi mabait na girlfriend, e," sagot ni Ritchie Paul.


WORKING WITH JEWEL
. Parehong pulis ang role nina Ritchie Paul at Jewel sa Pilyang Kerubin. Madalas ba silang magkaeksena ni Jewel?

"So far, hindi pa, hindi pa. Siguro, pero wala pa sa script, e. First week pa lang ang nakukuha ko, e," sabi ng bunso sa Gutierrez siblings.


Ina-anticipate na ba niya working with Jewel?


"Oo naman," sagot niya.


Close ba sila?


"Well, one time nag-lunch kami, kaming dalawa," sabi ni Ritchie Paul.


Silang dalawa lang?


"Oo, wala namang problema dun, e. Photo shoot [for Pilyang Kerubin], tapos nagkayayaan lang. Gutom na gutom kami, so kumain kami," kuwento niya.


Ano ang napag-usapan nila?


"Personal na...private matters na yun!" tawa niya.


Sa mga future scenes nila ni Jewel sa
Pilyang Kerubin, magkailangan kaya sila?

"There's no reason for me to feel that way," sagot ni Ritchie Paul.

No comments:

Post a Comment